from one of abby’s entries:
Love your job but never fall in love with your company because you never know when the company stops loving you.
TUESDAY
7:21pm
Parang ang haba ng tulog ko, pero hindi naman… nakatulog lang siguro ako ng maayos. Kaninang pag-uwi ko, hindi na kami nagkita ni B*. Lumuwas na kasi sya while ako naman pauwi na. Dapat nga susunduin nya ko kaso pinauna na nya dn ako kc baka daw hapunin na sya. Kaya ayun, ung dalawang bata lang naabutan ko with the maid. Ung maid nga pala, naiinis na un tatay ko sa kanya, medyo slow kasi e. Slow kumilos, slow pa mag-isip. Pero sabi nga ni B*, kung naging matalino un, ndi un maid ngaun. Hmm.. Ganun ba un? Anyway, sasabihin ko sa mama ko na pagtyagaan na lang kasi ang hirap maghanap ng katulong ngaun. Besides at least paunti unti hindi na sya binubulyawan ni sofia. Hehe. Maldita talga un batang un. Hindi tumulad ke ate Clarice nya…
Bago ako umalis kanina, nakotongan pa ko nun 2 bata, tig-20 sila. Tsk, tsk. Magastos talaga mag-anak. Biruin mo, si sofia, mag-3years old plang, alam na ang konsepto ng pera. Nakakainis ang panahon ngaun. Uulan ng konti, tapos aaraw. Lalo lang umiinit ang panahon. Sana wag magkasakit un 3.
Hindi man lang kame nagkita ni B* today. Miss ko na sya. Hindi tuloy me nkakain. Wala kasi ako kasabay. Lalong bumababa ang timbang ko. Tapos nawala pa un c0ncessi0naire namin sa 32nd flr office. Nakakatamad pa naman bumaba sa 31st flr para bumili ng fud. Ang aarte kasi ng mge receptionist. Wala pa naman akong ID. 2yrs na ako sa amber, wala pa din akong ID. Wala lng tinatamad kasi ako magpakuha ng picture. Hehe. Ang babaw nu. Ok cge, bukas talaga, magpapa-picture na ko. Promise! Anyway balak ko na magbaon ng food. Tutal may maid na kame so may magpe-prepare na ng food.
7:38pm
nasa MRT station pa din ako. Ang dame ng tao at un trains lampas ng lampas. Hassle to lalo pa pag may pasok ka or atat ka ng umuwi or sa katulad ko na naghahabol ng space sa snoozebox. Ang dame ko pa gagawin kaya maaga dn ako maglo-login. Tuesday kasi ngaun, so meaning business review naman. At bukod sa CE kelangan na din namin magdefend ng QA sc0re. Ang metric na sa tinagal ko sa amber ngaun lang nabigyan ng attensyon. Hay naku, dagdag pressure. As if kulang pa un nararamdaman namin. Eto pa, ndi pa nagko-close ang sc0res for last week sa latitude. Pinagdadasal ko nlng sana wag ako mag-hit ng 60+%, ang chaka e. At last nasakay nko sa train. Ang dameng tao. Ang liit ko pa naman ü
